Feed The Beast Wiki

Follow the Feed The Beast Wiki on Discord or Mastodon!

READ MORE

Feed The Beast Wiki
Register
Advertisement
This page is a translated version of the page FTB Wiki and the translation is 95% complete.
Outdated translations are marked like this.
Background-2
Maligayang pagdating sa Opisyal na Wiki ng Feed The Beast

Maligayang pagdating sa Opisyal na Wiki ng Feed The Beast! Dito, makakahanap ka ng impormasyon tungkol sa mga mod, modpack, at mapa na konektado sa FTB. Dito sa Wiki ng Feed The Beast, kami ay nakapokus sa mga mod sa mga modpack ng FTB, ngunit puwede rin ang iba pang mga mod. Mayroon kaming 29,477 na pahina. Maraming mga paraan para tumulong, katulad ng paggawa/pagbago ng pahina at padron, at simpleng pagbigay ng mga tugon sa amin.

Ano ang Feed The Beast?

Ang Feed the Beast, kilala rin bilang FTB, ay nagmula bilang isang pasadyang mahamong mapa na gumagamit ng maraming mod. Katulad ito ng uri ng mapang kilala bilang Sky Block, na kung saan ang manlalaro ay nasa isang kawalang mundo na mayroong isang maliit na platform, at dapat magtagumpay sa mga hamon. Dahil gumagamit ang FTB ng mga tech mod, posibleng gumamit ng iba't-ibang pasadyang bloke at gamit para antabayanan ang mga hamon at pag-unlad, at nagbibigay ng mga gantimpala matapos makamit ang bawat hamon.

Tapos, ang mapa ay hinalaw para mapayagan ang maraming manlalaro na makipag-unahan kung sino ang makapag-kumpleto ng mga layunin. Naging popular ang bersyong ito matapos na-live-stream sa Twitch.TV ito nang naglaban sina Direwolf20 at Mattabase, na kilala bilang tagagamit ng mga mod na kasama sa mapa.

Nang naibahagi sa publiko ang mapa, napahalatang mahirap ipamahagi ang file ng mapa, ang mga mods, at ang mga configuration settings sa mga gustong mag-laro nito. Nagkaroon ng desisyon para isama lahat ng mga mods sa iisang pakete, at gayon din ang paggawa ng launcher na maipapadali ang pag-install.

Nagkaroon ng mga iba't ibang pagbabago ang mapa, kasama na ang mapa ng bedrock na kilala sa challenge at reward structure nito na gawa sa bedrock. Subalit, karamihan ng mga manlalaro na tinutukoy ang FTB map ay tunay na tinutukoy ang pyramid map na kilala sa malaking piramid na gawa sa basalt na may mga iba't ibang kwarto na nagbigay sa mga manlalaro ng isang listahan na kailangan nilang gawin upang matapos ang bawat hamon. Tapos, iyong bersyon na iyon ay na-update para maging mas mahirap, kilala bilang FTB Insanity, na maraming mga manlalaro ay naglaro ng 50 hanggang mahigit 100 oras upang ma-kumpleto ito.

Ang mga modpacks doon ay naka-sentro sa mga mods na ginawa sa platform ng Minecraft Forge. Iyon ay nakapokus sa mga mods na teknikal ang tema, gaya ng IndustrialCraft 2, BuildCraft, at RedPower 2. Ngunit, iyon ay lumawak sa iba pang mga tema, gaya ng mga mods na mahika gaya ng Thaumcraft and Mystcraft.

Ang inisyal na modpack ay isinapubliko bilang beta noong Nobyembre 2012. Nanatili itong beta ng ilang panahon dahil kailangan ng mga may-akda ng mga mod na i-update ang kanilang mga mod sa bersyon ng Minecraft na 1.4, na lahat ay nag-base sa server. Ang prosesong ito ay matagal sa mga ibang mods na sentro ng pack.

Ang mga iba ay gumawa ng iba pang mga bersyon ng mga FTB Modpacks, kasama na ang FTB Lite na iniksian ang listahan ng mga mods upang maasikaso ang mga bagong manlalaro sa mga bagay-bagay nang hindi natatambakan. Nailungsad rin ang Magic World pack na nagpopokus sa mga mods na mahika ang tema.

Mula noon, marami nang mga modpacks ang nailunsad, at na-update rin ito sa bersyon ng Minecraft na 1.4, 1.5, 1.6, 1.7, at 1.8. Lahat ng mga modpack na tampok sa FTB Launcher ay maaaring tignan sa pahina ng mga modpacks. Ang mga mods na kasama sa mga modpack ng FTB ay maaaring makita sa kategorya ng Mods.

Ang launcher ay naisapubliko bilang alpha habang sa livestream ni Slowpoke101. Mabilis na natabunan ang server sa bilang ng mga nag-dodownload, na nagreresulta sa inis ng maraming mga manlalaro. Pagkatapos iresolba ang mga isyu sa server, naisapubliko ang isang berson na beta. Sumunod ang isang website, feed-the-beast.com.

Ang mga pangunahing featues ng launcher ay:

  • Awtomatikong nag-dodownload ng listahan ng mga modpack ng FTB at mga aprubadong 3rd party na mga modpack.
  • Awtomatikong nag-dodownload ng lahat ng mga files para sa pag-install ng mod at sa paggawa ng instance ng Minecraft.
  • Buong suporta sa pamamahagi mula sa lahat ng mga tagagawa ng mga mod na kasama sa mga modpack.
  • Isang planadong pangkat ng mga pangsasaayos na mga file, na nagtatakda ng mga natatanging id sa lahat ng mga bloke, bagay, dimensyon, nilalang, mahika, at likido ng mod, na nagpipigil ng pagkakapatong na nag-cracrash ng Minecraft at ang kadalasang durusa ng mga taong sinusubukang mag-install ng mga mod nang manu-mano.
  • Awtomatikong nag-dodownload ng mga napiling mapa, gaya ng mga mapang Feet the Beast na pang-hamon.
  • Pagsusuporta ng pag-download ng mga nasaayos na mga instance ng server, na nagpapadali sa mga admin na ilahok ang mga mod sa isang server.

Ngayon na may kaunting kaalaman ka na tungkol sa Feed the Beast, pumunta ka na sa pahina ng Getting Started para matutunan mo kung paano i-install ang launcher, pumili ng modpack at simulang maglaro!

Mp-mods
Mga Mod

Avaritia  Biomes O' Plenty  Botania  ComputerCraft  Dimensional Doors  Freedom  HuesoDeWiki  IndustrialCraft 2  Iron Chests  NEI  OpenModsLib  Mga Laruang Santa  Ztones


Advertisement